“Paano magluto ng adobong manok?😋”

Una,hugasang mabuti ang karne ng manok.Pangalawa,chop Chopin ang karne sa tamang laki.Maghiwa ng bawang at sibuyas,pagkatapos ay igisa ito bago ilagay ang karne ng manok.

Igisa ng igisa ang karne hanggang matanggal ang lansa nito.Pagkatapos itong maigisa ay maglagay ng 980 ml na tubig at ipakulo ang karne hanggang sa lumambot ito.

Pagkatapos lumambot ng karne ay timplahin na ito ng mga pampalasa gaya ng toyo,suka,magic sarap,betchin,oyster sauce at laurel.

Takpan na ang lutuan para mamoist ng mabuti ang mga recado at mas masarap ang pagkakaluto.Hayaan lang ito hanggang sa tuluyan nang maluto.

Pagkatapos maluto ay isalin na ito sa mangkok at lagyan ng serving spoon para mas presentable ang dating.Done!

😋EAT WELL😋